BABAE HULI SA EXTORTION SA NEGOSYANTE

CAVITE – Arestado sa entrapment operation ang isang 39-anyos na babae matapos umanong kotongan ang isang negosyante ng P120,000 cash kapalit ng hindi nito pagbubulgar ng umano’y lihim ng huli sa Imus City, noong Miyerkoles ng gabi.

Inaresto ang suspek na si Liezl San Jose y Legaspi, ng Imus City, Cavite, matapos ireklamo ng isang 50-anyos na lalaking negosyante.

Ayon sa ulat ni PSSgt. Jessie Villanueva ng Imus City Police, humihingi ng halagang P120,000 ang suspek sa lalaking negosyante kapalit ng hindi nito pagsusumbong sa kanyang asawa matapos nitong akusahan ng umano’y panggagahasa sa kanyang pamangkin.

Nagkunwari naman ang negosyante na ibibigay ang nasabing halaga at nagkasundong magkita sila sa isang fastfood restaurant sa Brgy. Malagasang 1G, Imus City, Cavite dakong alas-7:00 ng gabi na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa ikinasang entrapment operation ng pulisya. (SIGFRED ADSUARA)

 

313

Related posts

Leave a Comment