Bago idaos ang eleksyon HAMON SA BRGY. OFFICIALS SUMALANG SA DRUG TEST

HINAMON ni Manila Police District (MPD) Director, Police Brigadier General Andre “The game changer” Dizon ang lahat ng barangay officials na sumailalim sa drug test bago ang gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa Okrubre, 2023.

Ayon sa heneral sa ginanap na media forum sa Balitaan sa Tinapayan, sa panulukan ng Dapitan at Don Quijote Streets sa Sampaloc, Manila, ito ay upang maiwasan ang agam-agam at pag-alinlangan na ang barangay officials ay sangkot sa ilegal na droga.

“Tsina-challenge po natin sila na magpa-drug test upang mapatunayan na minsan hindi sila gumamit ng illegal drugs,” ayon sa police official.

Ito naman aniya ay boluntaryo at kapag tumanggi ay ipauubaya na lamang sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Manila Barangay Bureau.

Sinabi pa ni General Dizon, malaki ang maitutulong ng drug test sa kampanya laban sa ilegal na droga ng MPD dahil kapag hindi sila sangkot ay mananatili ang tiwala na hindi sila pagdadamutan ng mga impormasyon.

Sa panayam naman kay Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office, sinabi nitong tama ang desisyon ni General Dizon na isalang sa drug test ang mga opisyal ng barangay. (RENE CRISOSTOMO)

104

Related posts

Leave a Comment