BALASAHAN IKINASA SA MARITIME SECURITY AGENCIES

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga Pilipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Sa Executive Order No. 57 ng Pangulo, pinalitan ng NMC ang National Coast Watch System (NCWS) na in-charge sa pagbuo ng mga polisiya at istratehiya para matiyak na iisa at coordinated ang framework para sa maritime security ng Pilipinas.

Si Executive Secretary Lucas Bersamin ang tatayong chairman ng NMC na may tungkulin na bumalangkas at magpalabas ng mga alituntunin para sa epektibong implementasyon ng EO 57 sa loob ng 60 araw mula sa pagiging epektibo nito.

Ang mga miyembro ng NMC ay ang mga Kalihim ng Departments of National Defense (DND), Agriculture (DA), Energy (DOE), Environment and Natural Resources (DENR), Foreign Affairs (DFA); at National Security Adviser (National Security Council).

Kasama rin bilang mga miyembro ng NMC ang mga Kalihim ng Departments of Finance (DOF), Interior and Local Government (DILG) and Transportation (DOTr) kasama ang Solicitor General, at Director General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ang NCWC Secretariat, na pinalitan ng pangalan bilang Presidential Office for Maritime Concerns (POMC), ay may tungkulin na magbigay ng “consultative, research, administrative and technical services” sa NMC at tiyakin ang episyente at epektibong implementasyon ng mga polisiya ng konseho, bukod sa iba pang mga tungkulin.

Si Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino ay itinalaga bilang POMC head at may atas na direktang mag-ulat sa Pangulo ukol sa mahahalagang at kritikal na bagay at usapin na nakaaapekto sa “maritime security at domain awareness” ng bansa.

(CHRISTIAN DALE)

45

Related posts

Leave a Comment