BARANGAY SECRETARY NAGULUNGAN NG BUS

BULACAN – Patay ang isang babaeng barangay secretary matapos na masagasaan ng bus na sumalpok sa kanilang sinasakyang barangay patrol sa Dr. Eduardo Roque Sr. Avenue, Barangay Minuyan 1, San Jose Del Monte City nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa inisyal na report, ang biktimang si Angelica Nofies Catague, barangay secretary ng Minuyan 1, ay dadalo sa unang araw ng campaign sortie nang ang kanilang sinasakyang multicab barangay patrol ay masalpok sa likuran ng kasunod na Mayamy Magic Line bus dakong alas-8:30 ng umaga.

Dahil sa pagkakabundol, nahulog sa kalsada ang barangay secretary na noon ay nakaupo sa hulihan ng sasakyan saka pumailalim at nagulungan ng bus.

Ayon sa mga nakasaksi, umatras pa ang bus para maalis sa ilalim ang biktima subalit muli itong nagulungan.

Umabante uli ang sasakyan at tila tangkang tumakas ang driver ngunit napahinto ito, halos 50 metro ang layo sa lugar ng insidente, matapos maharang ng nagrespondeng mga bystander at dinala sa himpilan ng pulisya.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

(NILOU DEL CARMEN)

568

Related posts

Leave a Comment