BARANGAY TANOD PATAY SA KABARO SA INUMAN

BATANGAS – Patay ang isang 49-anyos na barangay tanod nang pagsasaksakin ng kanyang kabaro sa inuman sa Lipa City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Lipa City Police ang napatay na si Rogelio Dalisay, residente, at tanod ng Barangay Bulacnin, Lipa City.

Nilalapatan naman ng lunas sa Metro Lipa Medical Center ang isa pang barangay tanod na si Expelito Recio, 46-anyos.

Ayon sa ulat, nag-iinuman ang dalawang biktima at iba pang mga bisita sa bahay ng kanilang barangay captain nang dumating ang suspek na si June Africa, isa ring barangay tanod.

Sa hindi pa malamang dahilan, biglang pinagsasaksak ni Africa si Dalisay. Kasunod nito, sinubukan ni Recio na pakalmahin si Africa ngunit nasaksak din ito sa kanang braso.

Ang dalawang biktima ay dinala ng iba pang barangay officials sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival si Dalisay.

Tumakas naman si Africa matapos ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)

67

Related posts

Leave a Comment