BATA PATAY SA BARIL NG AMANG PULIS

PATAY ang 12-anyos na lalaki matapos mabaril ang sarili gamit ang baril ng ama na isang pulis sa comfort room ng Benito Nieto Elementary School sa Brgy. Muzon, CSJDM, Bulacan.

Ayon kay San Jose del Monte police chief Lt. Col. Ronaldo Lumactod Jr., nagtamo ng bala sa ulo ang Grade 6 student na kinilala lamang si Adlai Brock, ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ibinahagi ni Col. Lumactod, bandang ala una ng hapon nitong Huwebes ay nalagutan ng hininga ang biktima habang nilalapatan ng lunas.

Nakita ang bata na duguan at may gunshot wound sa ulo sa loob ng CR ng pinapasukang paaralan, bandang alas-5:40 ng umaga.

Lumitaw sa pagsisiyasat na dinala ng biktima ang 9 mm Beretta Pistol PNP-issued firearm ng ama na Police Executive Master Sergeant na nakatalaga sa PNP Directorate for Police Community Relations.

Ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Red Maranan, pinaiimbestigahan na nila ang insidente.

“The Provincial Director of Bulacan PPO (Police Provincial Office) was already directed to conduct investigation on the circumstances of the incident,” ani Col. Maranan.

Inatasan ng Bulacan PPO si Col. Lumactod na makipag-ugnayan sa police officer para malaman kung bakit napunta sa anak na isang menor de edad ang kanyang baril. (JESSE KABEL RUIZ)

62

Related posts

Leave a Comment