BEBOT ITINUMBA SA ILEGAL NA DROGA

IPINALALAGAY ng mga awtoridad na may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang hindi kilalang babae na pinagbabaril noong Huwebes ng gabi sa loob ng isang barong-barong sa gilid ng riles ng tren sa Hermosa St., Tondo, Manila.

Tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos ang biktima, nasa 5’2 hanggang 5’4 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt, itim na short pants at gray na jacket na may hood.

Ayon sa mga testigo, nakita nila ang papatakas na mga suspek kabilang ang gunman na nakasuot ng itim na may kombinasyong yellow na Jersey at itim na jogging pants, habang ang back-up nito ay nakasuot ng itim na jacket at itim na jogging pants at kapwa armado ng baril.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-11:30 ng gabi nang ratratin ng mga suspek sa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima sa loob ng barong-barong sa nasabing lugar.

Ayon sa isang testigong 18-anyos na estudyanteng lalaki, nagtungo ang biktima sa kanyang kaibigan na nakatira sa nabanggit na barong-barong

Ilang saglit pa lamang ang nakararaan, pumasok ang gunman sa barong-barong saka niratrat ng bala ang biktima, habang look-out sa labas ang kasama ng suspek.

Matapos maisagawa ang krimen, agad na umeskapo ang dalawang suspek patungong Caloocan City.

Isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara dead on arrival.

Agad namang dumating sa crime scene si Det. Cunanan kasama si Police Lieutenant Nonanlyn Delayun ng MPD – Forensic Unit, upang mag-imbestiga sa insidente.

Pansamantalang nakalagak ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Morgue. (RENE CRISOSTOMO)

86

Related posts

Leave a Comment