Bugbog sarado bago ikinulong HOLDAPER KINUYOG NG TAUMBAYAN

0

BAGO makulong ay binugbog muna ng taumbayan ang umano’y notoryus na holdaper makaraang biktimahin ang isang saleslady sa Malabon City noong Huwebes ng hapon.

 

Kinilala ni Malabon Police deputy chief, P/Lt. Col. Rhoderick Juan ang arestadong suspek na si Bryan Jame Eusebio, 33, residente sa Vicencio St., Brgy. Niugan.

 

Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 chief, P/Maj. Patrick Alvarado, habang binabantayan ang tindahan na Margaux Footwear sa No. 315 General Luna St., Brgy. Baritan ng saleslady na si Samanta Santos, 18, dakong alas-5:00 ng hapon nang lumapit ang suspek at tinutukan siya ng baril sabay nagdeklara ng holdap.

 

Sa pangamba sa kaligtasan, hindi pumalag ang biktima nang sapilitang kunin ng suspek ang kanyang cellphone na P7,000 ang halaga at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

 

Gayunman, hinabol ang suspek ng mga bystander at nang makorner ay pinagtulungan siyang bugbugin hanggang sa dumating ang nagrespondeng mga tauhan ng SS7 at mga barangay tanod.

 

Nabawi sa suspek ang cellphone ng biktima at ang toy gun na ginamit nito sa pagholdap sa saleslady. (FRANCIS SORIANO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment