BULKANG KANLAON ITINAAS SA ALERT LEVEL 1

BUNSOD ng pag-aalburoto, itinaas sa alert level 1 ang Bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng anim  na volcanic earthquake sa paligid nito, iniulat nitong Pebrero 1, 2023 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, bagama’t naitala ang pagyanig sa paligid ng bulkan, wala namang iniulat na pagsingaw ng usok sa bunganga nito.

Ayon pa sa Phivolcs, sa isinagawang obserbasyon sa bulkan, nakita ang pamamaga nito.

Kaugnay nito, mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa 4 kilometer (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ sa paligid ng bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anomang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang Bulkan Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa nakalipas na mga pag-aalburoto nito. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. (PAOLO SANTOS)

38

Related posts

Leave a Comment