BULKANG KANLAON MULING NAG-ALBUROTO

MULING nag-alburoto ang Bulkang Kanlaon na nakapagtala ng walong pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs, nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon.

Ayon pa sa ahensya, may bahagyang pamamaga ang bulkan bunsod ng pag-aalburoto nito.

Kaugnay nito, sinabi ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4km) radius Permanent Danger Zone o PDZ.

Ipinagbawal din ng Phivolcs ang pagpapalipad ng ano mang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang Bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa nakalipas na pag-aalburoto nito. Ang bulkan ay matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.  (PAOLO SANTOS)

15

Related posts

Leave a Comment