CAINTA POLICE TUMANGGAP NG BAGONG KAGAMITAN

BILANG suporta at pagpapalakas sa kakayahan ng lokal na pulisya ng Cainta, Rizal sa pagtugon sa kanilang tungkulin, nagkaloob ang lokal na pamahalaan ng mga armas at motorsiklo sa mga ito.

Pinangunahan nina Cainta Mayor Maria Elenita “Elen” Nieto at PCOL Dominic L. Baccay, Provincial Director Rizal PPO ang turnover ceremony na ginanap sa Cainta Municipal Police Station bandang alas-8:30 ng umaga ngayong Miyerkoles.

Tinanggap ni PMAJ Alfonso Saligumba III ang sampung pirasong EMTAN basic assault rifle; 70 magasin; ammos; at Honda XR150 light motorcycle.

Ayon kay PCOL Baccay, ang pagbili ng mga bagong kagamitan ay bahagi ng PNP Capability Enhancement Program FY 2022.

195

Related posts

Leave a Comment