CARNAPPER TIKLO SA TIP NI MARITES

ARESTADO ang umano’y isang kilabot na carnapper matapos inguso ng isang Marites sa Caloocan City.

Ibinalibag sa selda ang suspek na si Adrian M. Pangilinan, 33, ng Bagong Barrio, ng lungsod.

Nabatid, nagsagawa manhunt operation ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa isang most wanted person na nasa Reparo Extension, Baesa, Caloocan City kung saan nadakip si Pangilinan dakong alas-10:30 ng gabi noong Agosto 30.

Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Regional Trial Court Branch 121 ng Lungsod ng Caloocan, sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016. (ALAIN AJERO)

7

Related posts

Leave a Comment