CHOPPER NAG-EMERGENCY LANDING DAHIL SA SARANGGOLA

BOHOL – Nag-emergency landing ang isang pribadong helicopter nang masabitan ng nylon wire ng isang saranggola na pinalilipad sa Sitio Santa Lucia, Barangay Trinidad Hills, sa bayan ng Guindulman, sa Bohol noong Huwebes ng umaga.

Laking gulat ng mga residente at napasugod sa lugar nang makita ang chopper na bumaba sa malawak na bukid dakong alas-11:30 ng umaga.

Sa video ng isang netizen, isang bahagi ng helicopter ang nasabitan ng nylon wire ng saranggola at pumulupot sa rotor mast habang nasa 2,000 feet ang taas ng paglipad.

Ang nasabing helicopter na may dalawang pasahero, ay napag-alamang pag-aari ng Lhuillier pawnshop.

Nagawang makalipad muli ng chopper matapos tumulong ang mga residente sa pagtanggal ng nylon.

Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat sa pagpapalipad ng saranggola ngayong summer season.

Ipinayo ring iwasan ang mga lugar na may poste ng kuryente at wire sa pagpapalipad ng saranggola.

(NILOU DEL CARMEN)

138

Related posts

Leave a Comment