CLMA NAKIISA SA MANGROVE PROPAGATION, CLEAN-UP DRIVER SA SUBIC BAY FREEPORT

NAGLUNSAD ng Mangrove Propagation and Clean-up Drive ang mga mamamahayag ng Central Luzon Media Association (CLMA)-Zambales Olongapo Chapter at Samahang Mamamahayag ng Subic Freeport (SMSF) sa pangunguna ni Vic Vizcocho (ikalawa sa kanan) sa Binictican, Subic Bay Freeport nitong nakaraang Biyernes. Nasa larawan din mula sa kaliwa sina Anton Luis Catindig-Bulacan; Dante Salvana-Olongapo; Erick Silverio-Bulacan; Eloisa Samonte-Silverio-Bulacan; Willy Capulong-Olongapo; Carmela Estrope-Bulacan at Mika Arcenal-Olongapo. CONTRIBUTED PHOTO

 

LUMAHOK ang ilang grupo ng mga mamamahayag na nakabase sa Zambales, Olongapo at Bulacan at iba’t ibang stakeholders sa paglalagay ng mangrove propagules at clean-up drive sa Binictican Mangrove area sa Subic Bay Freeport noong Biyernes, Pebrero 10, 2023.

Ayon kay Central Luzon Media Association (CLMA) ng Zambales-Olongapo Chapter president Vic Vizcocho, nasa 200 mangrove propagules ang itinanim sa nasabing aktibidad na sinabayan ng paglilinis sa kapaligiran ng Freeport.

Ito ay inisyatibo ng CLMA at Samahang Mamamahayag ng Subic Freeport (SMSF) na sinamahan ng mga opisyales mula sa iba’t ibang government agencies gaya ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Subic Clark Railway Project (SCRP), New Clark City (NCC), at Bureau of Customs Port of Subic.

Dumating sa nasabing aktibidad sina Amethya Dela Llana-Koval, OIC SBMA Senior Deputy Administrator for Regulatory and Manager of Ecology Center; Carmela Reyes-Estrope, regional president of  CLMA; Leilani Macasaet, BCDA Vice President for Public Affairs, at Armie Lamas, OIC SBMA Corporate Communications.

Nakibahagi rin sa adbokasiya ng CLMA at SMSF ang local government of Subic, Office of the First District Representative of Zambales, at Philippine Navy sa pagtatanim at paglilinis.

Kasama rin lumahok sa aktibidad ang private entities sa pangunguna ng representante mula rito gaya nina Floreta Cana, Student Council President ng The Manila Times College of Subic; Micah Aquino mula sa North Luzon Expressway (NLEX) Corporate Communication Team; Justine Jay Navarro ng Subic Enerzone; Benjamin Antonio, President and General Manager ng  Subic Water and Sewerage Company Inc.;  RP Energy, Fuel East Energy Corporation, Subic Bay I, Meglio Marine Services(SBIMMS), Aman Sinaya Water Refilling Station, GN Power Dinginin (Mariveles Bataan).

Ayon kay Vizcocho, ang SBMA Ecology Department ang siyang nagbigay ng mga itinanim na mangrove at nagbigay naman ng mga detalye kaugnay ng mangrove propagules si Environmental Management Specialist Cenevix Maniago upang i-guide ang mga volunteers kung paano ang pagtatanim.

Pinuri naman ni Llana-Koval ang nasabing inisyatibo na kung saan umaasa ito na mas marami pang mga volunteers ang magnanais na sundan ang nasabing adbokasiya na pangalagaan ang ecosystem sa Subic Bay Freeport Zone.

Aniya, ang gobyerno at pribadong sektor ay kapwa may gampanin sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagkakaisa sa kagaya nitong tree-planting program.

Nagpasalamat din si Llana-Koval sa CLMA sa pangunguna sa nasabing proyekto para mabatid ng bawat kumpanya at volunteers ang kahalagahan ng kanilang inilaang oras para sa nasabing programa.

157

Related posts

Leave a Comment