DALAWANG NPA SUMUKO SA QUEZON

QUEZON – Dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa 405th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A (MC RMFB4A) sa General Nakar sa lalawigang ito, noong Linggo.

Kinilala ang sumukong mga indibidwal na sina Marlon Dela Cruz Gurango, alyas “Toto,” at Jayson Dela Cruz Gurango, alyas “Jayson.”

Ang dalawa ay mga miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) sa ilalim ng Platun 2 (YGM), KLG Narciso, SRMA4A, STRPC.

Ayon sa militar, ang dalawa ay ni-recruit nina Wally Agudez, alyas “Estong” at “Shaho,” noong Agosto 2017 sa Sitio Lagmak, Brgy. Pagsangahan, General Nakar, Quezon. (NILOU DEL CARMEN)

110

Related posts

Leave a Comment