NAKAHANDANG tulungan ng China ang mga naging biktima ng malawakang Christmas flooding sa Visaya at Mindanao region bunsod ng malakas na mga pag-ulan sa mismong araw ng Pasko na nagdulot ng mga pagbaha at landslides.
Sa isang statement, ipinaabot ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang kanilang pakikisimpatiya sa mga biktima ng naturang flash flooding.
Nitong Huwebes, umakyat na sa 32 ang bilang ng mga namatay sanhi ng pagkalunod dahil sa baha at landslides, bukod pa sa 24 na idineklarang nawawala.
Umaasa rin si Amb. Huang Xilian na makababangon ang lahat ng mga apektado nating kababayan at muling maitayo ang kanilang mga bahay na nasira dahil sa malawakang pagbaha. Maging ang mga nasirang negosyo ay agad na makabangon.
Umabot na sa 32 na mga indibidwal ang napaulat na namatay dahil sa masamang panahon dulot ng naranasang shearline sa ilang rehiyon sa bansa, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Inihayag pa ng OCD na pinamumunuan ngayon ni Undersecretary Ariel Nepomuceno, dating OCD civil defense executive officer, 24 individuals pa ang kasalukuyang pinaghahanap. (JESSE KABEL RUIZ)
