DIR. ALVINDIA NG PHILMECH BINIGYAN NG LINGKOD BAYAN AWARD

DAHIL sa kanyang dedikasyon sa trabaho, sipag at talino binigyan ng mataas na pagkilala ng Palasyo bilang Lingkod Bayan Award si PhilMech Director/Dr. Dionisio Alvindia.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nag-abot ang Lingkod Bayan award kay Dir. Alvindia na isinagawa nitong nakalipas na March 8, 2023 sa Palasyo ng Malakanyang.
Si Dir. Alvindia, isang plant pathologist at scientist ay nakapag-ambag ng malaki para maiangat ang buhay ng libo-libong magsasaka sa bansa kaya pinagkalooban ng Presidential Lingkod Bayan Awardee.

Sa kanyang pananaliksik, masinop na pag-aaral at trabaho ay ipinakilala ni Dir. Alvindia ang natatanging innovations na nagbigay ng “empowerment” at inspirasyon sa lahat ng stakeholders sa agriculture sector sa bansa.

Kabilang sa “notable works” o hindi matatawarang trabaho ni Dir. Alvindia ang paggamit ng “botanicals” para sa management ng post harvest mango anthracnose.

Mainit ang pagbati at pagkilala ni Pangulong Marcos Jr. kay Dir. Alvindia habang iniaabot ang award nito.

Taos-puso namang nagpasalamat si Dir. Alvindia sa Pangulo sa pagkilalang ibinigay sa kanya at nangakong lalo pang pagbubutihin ang kanyang trabaho para sa kapakanan ng libu-libong magsasaka na siyang nagpo-produce ng pagkain sa bansa.

473

Related posts

Leave a Comment