‘DIRTY POLITICS’ SA LIDERATO NI ROMUALDEZ Pinalagan ni Duterte

Tinawag naman ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte na “PI” ang People’s initiative na inilarga ng administration congressmen para amyendahan ang 1987 Constitution.

Kasabay nito ang kanyang pagkondena sa aniya’y maruming pulitika ng kanyang mga kasamahan sa Kamara.

“This so-called people’s initiatives for charter change is nothing but pure PI,” ani Duterte na kinumpirma rin ang pangangalap ng lagda sa Davao City sa pangunguna umano ni PBA Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles.

Hindi pa nagbibigay ng reaksyon si Nograles sa alegasyong ito ni Rep. Duterte na ayon sa kanyang tanggapan ay nasa Estados Unidos.

“I am against this people’s initiative as this is not the people’s voice but the voice of a few who wanted to perpetuate themselves in power,” ayon pa sa dating presidential son na kinatawan ng unang distrito ng Davao City.

Kasabay nito, isiniwalat din ni Rep. Duterte na tinanggal umano ng liderato ng Kamara sa National Expenditure Program (NEP) ang P2 billion na nakalaan sa kanyang distrito at binigyan lamang ito ng P500 million halaga ng proyekto.

“To all congressmen ganging up on us, do not give me that kind of BS because I will not starve to death if you take my budget away. Ang kawawa is yung mga Dabawenyos na bumoto kay PBBM,” ani Rep. Duterte.

Nakarating din umano sa kanyang kaalaman na binawalan ang mga senador na maglagay ng proyekto sa unang distrito ng Davao City na minsan nang kinatawan ni dating Pangulong Duterte sa Kongreso.

“Hindi ako luluhod sa inyo para mabigyan ng proyekto lalo na at may 30% pang kinukuha ang isang pekeng panginoon…Again, ang kawawa ay ang mahal kong mga Dabawenyo. I have kept my silence all through these months since I do not want my constituents to suffer from the dirty politics in the House of Representatives,” ayon pa sa kongresista.

“To all Dabawenyos, do not sell your soul for a mere P100 or P10,000 in exchange for your signature. If you want to follow the MINIONS of the person DREAMING TO BE GREAT in Congress to perdition that is your choice,” panawagan din nito sa kanyang mga kababayan.

(BERNARD TAGUINOD)

169

Related posts

Leave a Comment