DND, DTI SANIB-PWERSA KONTRA PROFITEERING

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa binuong Task Force El Niño na huwag hayaang maging biktima ng price manipulators ang Filipino consumers sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño.

Tiniyak naman ng Department of National Defense, pangunahing kasapi ng Task Force El Niño, na may mga hakbang nang ginagawa laban sa mga magsasamantala sa basic goods and commodities matapos ang pakikipag-ugnayan ng DND sa Department of Trade and Industry (DTI).

Iminungkahi ni National Defense Secretary at Task Force El Niño chair Gilberto Teodoro Jr. sa Department of Trade and Industry na mas paigtingin pa ang pagmo-monitor sa presyo at supply ng mga bilihin sa bansa na lantad sa mapagsamantalang profiteers.

Ito ay upang tiyak na mapoproteksyunan ang mga mamimili laban sa mga mapagsamantalang negosyante at mga mamumuhunan bunsod ng inaasahang matinding epekto ng tagtuyot dala ng El Niño phenomenon.

Ayon sa kalihim, kinakailangang lubos na mabantayan ang mga possible fluctuation ng mga presyo at supply ng basic goods sa mga merkado partikular na sa mga lugar na lubhang apektado ng El Niño phenomenon, bilang pagtugon sa naging direktiba ni Pangulong Marcos.

Aniya, bahagi ito ng pagsusumikap ng Task Force El Niño na labanan ang anomang uri ng manipulasyon sa basic goods and commodities sa bansa. “There may be those who will attempt to take advantage of the prevailing abnormal weather phenomenon,” ayon sa kalihim.

Matatandaan, una nang tiniyak ng DTI sa publiko na pinag-aaralan nitong mabuti ang pagpapatupad ng price adjustments, gayundin ang pagpapanatili nito sa minimum at affordable na halaga sa mga merkado para sa mga mamimili.

“Let us ensure that adequate supply of basic necessities and goods are available to the general public, especially those in areas hardest affected by El Niño,” ani Defense Secretary Teodoro.

(JESSE KABEL RUIZ)

76

Related posts

Leave a Comment