DOJ SEC. REMULLA ‘HARI NG FAKE NEWS’

(RUDY SIM)

FAKE NEWS! Ito ang reaksyon ni Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nang makapanayam ng media kaugnay sa ipinakalat na balita ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus “Boying” Remulla na uuwi na umano siya sa bansa.

Sa pahayag ni Remulla noong May 16, may nakuha raw siyang intelligence report mula sa isang reliable source na posibleng manggagaling si Teves sa Timor Leste kung saan ito humingi ng political asylum.

Agad na pinabulaanan ni Teves ang pahayag ni Remulla at tinawag nitong joke ang kanyang Facebook post na “ready na ba ang all” na inakalang ibig sabihin ay uuwi na ito sa bansa.

Matatandaang matapos ang pagharap ni Teves sa mga miyembro ng media noong January 12 dahil sa seryosong  harassment sa kanyang pamilya ay pinayagan itong umalis sa bansa noong February 28 hanggang March 9 upang  magpagamot sa America dahil sa kanyang karamdaman. Matapos nito ay nagdesisyon pa rin si Teves na manatili sa labas ng Pilipinas dahil sa banta sa kanyang buhay.

Bagamat wala pa sa bansa si Teves ay itinulak naman ng pamahalaan ang pagsasampa rito ng kasong murder at frustrated murder sa DOJ  na pinangunahan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo De Lemos nitong Miyerkoles.

119

Related posts

Leave a Comment