DRUG SYNDICATE MEMBER TIKLO SA P1-M DROGA, BOGA

ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng sindikato sa ilegal na droga makaraang inguso at mahulihan ng baril at mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu at marijuana sa Navotas City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si Eduardo Monroy, 32, umano’y kasapi ng Saragoza drug group, na dinaluhong ng mga parak sa kanyang bahay sa Barangay Tangos North, ng lungsod dakong alas-11:50 ng umaga noong Miyerkoles, Oktubre 26.

Hinalughog ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant para sa ilegal na droga na inisyu noong Oktubre 21, 22 ni Executive Judge Pedro T. Dabu ng Navotas Regional Trial Court Branch 286.

Nakumpiska sa suspek ang 150 gramo ng umano’y shabu na P1,020,000 ang halaga, 120 gramo ng marijuana na may presyong  P14,400, isang .45 caliber pistol, anim na bala, at P3,000 cash. (ALAIN AJERO)

10

Related posts

Leave a Comment