EO NG PH DEV’T PLAN PINIRMAHAN NI PBBM

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong aprubahan at i-adopt ang Philippine Development Plan para sa taong 2023-2028.

Magsisilbi itong roadmap para sa economic recovery ng bansa.

Sa ilalim ng EO No. 14, nilagdaan noong Biyernes, Enero 27, ang PDP, bilang second medium-term plan na naka-angkla sa “AmBisyon Natin 2040,” ay naglalayong maibalik ang Pilipinas sa high-growth trajectory.

Ang AmBisyon Natin 2040 ay nagsisilbing guide para sa development planning mula 2016-2040 upang magawa ng mga Pilipino na maabot ang “matatag, maginhawa at panatag na buhay.”

Ang PDP ay naka-angkla rin sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyong Marcos na naglalayong palakasin ang job creation at pabilisin ang poverty reduction habang tinutugunan ang mga usapin dahil sa COVID-19 pandemic.”

Ang PDP 2023-2028 ay nauna nang inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ng Pangulo, noong Disyembre 16, 2022, kasunod ng serye ng Cabinet-level at technical inter-agency discussions at stakeholder consultations.

“We approved the Philippine Development Plan for 2023 to 2028 and this sets out the framework of the development plan for the Philippines and we have included all of the priority areas,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging mensahe nang ianunsyo ang approval ng PDP.

“This will facilitate the coordination and the alignment of all departments and all agencies in government to a single plan so that we are all working in the same direction,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

173

Related posts

Leave a Comment