NADISKUBRENG may nakabinbing arrest warrant sa isang 38-anyos na inmate, dahil sa kasong estafa kaya sinilbihan ng warrant of arrest sa loob ng Manila City Jail (MCJ) sa Old Bilibid Compound, Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng Umaga.
Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division ( DID) ng Manila Police District, ang suspek na si Warren Ivan Quirino, ng Tondo, Manila.
Batay sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Investigation Operation Unit, (DPIOU), bandang alas-10:30 ng umaga nang magtungo ang mga tauhan ng DPIOU sa male Dormitory ng MCJ para silbihan ang suspek ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Marivic T. Balisi-Umali, ng Regional Trial Court Branch 20 ng Manila, sa kasong estafa.
(RENE CRISOSTOMO)
238