FAMILY GET-TOGETHER NAUWI SA TRAHEDYA

CAVITE – Imbes na maging masaya ang family gathering, nauwi ito sa trahedya makaraang nalunod ang isang 8-anyos na batang babae sa limang talampakang lalim na pool sa isang resort sa Bacoor City noong Linggo ng umaga.

Isinugod pa sa Molino Doctors Hospital ang biktimang si “Zsazsa”, estudyante, ng Brgy. Medicion 2-A, Imus City subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang ganapin ang family gathering sa Kalugdan Garden Resort sa Brgy. Ligas, Bacoor City, Cavite.

Nagkaroon ng kasiyahan, kainan at pagligo sa swimming pool hanggang sa napansin na lamang ng isang staff ng resort na nalulunod ang biktima.

Iniahon ito at ni-revive subalit hindi nagre-respond kaya isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

(SIGFRED ADSUARA)

212

Related posts

Leave a Comment