FISHING BOAT AT TUGBOAT NAGBANGGAAN SA KARAGATAN

ISINASAILALIM sa masusing imbestigasyon ng Philippine Coast Guard kung sino ang dapat managot sa nangyaring banggaan ng dalawang sasakyang-pandagat sa karagatan malapit sa Corregidor Island, may isang milya mula sa Caballo Island.

Lulan ang dalawang mangingisda ng Fishing Banca J Berman nang mangyari ang insidente habang sila ay nangingisda sa baybayin ng karagatan.

Nagsasagawa naman ng towing operations ang Malaysian-flagged Tugboat Atlantic 6 sa barge na Atlantic 7 nang makabanggaan ang fishing boat.

Nasagip ang dalawang mangingisda habang ang kanilang bangka ay tuluyang lumubog. (RENE CRISOSTOMO)

241

Related posts

Leave a Comment