Flexible work arrangement isinulong KABABAIHAN BIGYAN NG TRABAHO – NOGRALES

ISINULONG ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles ang pagkakaroon ng ‘flexible work arrangement’ para sa mga babae na gustong magtrabaho habang nasa bahay.

Ayon kay Nograles, maraming babae ang nais magtrabaho at kumita habang nasa bahay upang matulungan ang kanilang mga asawa sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

“Unpaid domestic and care work hinders women from fulfilling their potential and engaging in paid labor. Especially in a climate where it is increasingly becoming difficult for sole breadwinners to provide for their families, we must exert more effort so that women can have opportunities to become productive and be able to contribute to the family’s financial capability,” ani Nograles.

Sinabi pa ng mambabatas, makatutulong ang pagkakaroon ng trabahong may bayad sa mga babae habang hindi napapabayaan ang kanilang pamilya dahil sila ay nakapagtatrabaho na nasa bahay lang.

“Free day cares, for example, would provide mothers with a safe venue to leave their children as they attend to their jobs. We can also perhaps study how women in rural areas can be remunerated for many unpaid tasks that are crucial to farm work but are not recognized as such,” banggit pa ni Nograles.

Ayon pa sa mambabatas, panahon na rin upang alisin ang nakagisnan na ang mga trabaho sa bahay ay responsibilidad lamang ng mga babae at dapat makihati rito ang mga lalaki.

“It is high time that we discard old notions of domestic work being the sole responsibility of women. Natutuwa naman tayo na mukhang marami sa mga newer generation families ang nakikilala ito, kaya may conscious effort na rin na hatiin ang mga responsibilidad sa bahay,” dagdag pa niya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, hanggang noong Disyembre 2023, nasa 21.9 milyong babae lamang o katumbas ng 52.27% ang bahagi ng labor force, mas mababa kumpara sa mga lalaki na 30.2 milyon o 76.97%.

Ayon sa UN Women, ang unpaid care at domestic work ay katumbas ng 10% at 39% ng Gross Domestic Product at mas malaki pa ito kumpara sa kontribusyon sa ekonomiya ng manufacturing, commerce o transportation sectors.

(JOEL O. AMONGO)

322

Related posts

Leave a Comment