FLOAT NG MPD NAGWAGI SA 451ST ANNIV NG MAYNILA

NAGWAGI mula sa 14 na kalahok ang float ng Manila Police District sa parada sa isinagawang pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng Araw ng Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Unang parangal na may pabuyang P40,000 ang nakamit ng MPD, ayon sa ulat ni P/Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD.

Nagsimula bandang alas-8:00 ng umaga ang parada at nilibot ang buong siyudad ng Maynila.

Sa kabuuang 14 na lumahok sa parada ay nanalo sa unang puwesto ang float ng MPD.

Ang naturang paligsahan ay pinamunuan ni P/Col. Julius Cezar Domingo, hepe ng Public Community Relation Office, at ito rin ang nagsisilbing director

Natuwa naman at pinuri ni MPD District Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang kanyang mga tauhan sa partisipasyon ng mga ito sa parada suot ang iba’t ibang kasuotan ng unipormadong alagad ng batas.

Maging ang mga hurado ng patimpalak ay pinuri rin ng heneral sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment