GRUPO NG DOLPHINS NAISPATAN SA RESORT SA SAMAL ISLAND

NAMATAAN sa pambihirang pagkakataon malapit sa beach resort sa Samal Island, ang pod o grupo ng dolphins noong Miyerkoles ng hapon.

Nangyari ang ‘sightings’ sa Kaputian District sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte

Makikita sa drone video ng resort ang hindi bababa sa labingdalawang dolphin na tila naglalaro habang lumalangoy sa bahagi ng Davao gulf.

Sa video naman ni Brooks Salinas, kitang namangha ang mga bisita nang makita ang pambihirang paglitaw ng mga dolphin.

Ayon sa mga eksperto, ang ‘sightings’ ng mga dolphin at iba pang marine mammals ay magandang senyales na maayos ang lagay ng marine life sa Davao Gulf.

Panawagan naman ng mga biologists na huwag saktan ang marine wildlife at iwasan ang pagtapon ng mga basura sa dagat na maaaring makain ng mga hayop.

(NILOU DEL CARMEN)

 

157

Related posts

Leave a Comment