CASINO AGENT, TIKLO SA P3.6-M DROGA

LAGUNA – Hindi nakapalag ang isang lalaking casino agent matapos masamsam dito ng mga awtoridad ang P3.6 milyong halaga ng illegal drugs sa buy-bust operation sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa report ng PDEA Regional Office 4A, isinagawa ng kanilang mga operatiba, kasama ang PDEA Laguna Provincial Office, at mga miyembro ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang buy-bust operation sa bahay ng suspek na si Nikki Zotomayor sa Sitio Maunawain, Barangay Duhat, mag-aalas-12:00 ng hatinggabi.

Sinasabing si Zotomayor ay nakatala bilang high-value drug personality sa PNP drug watch list.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 535 gramo ng umano’y shabu na na tinatayang P3,638,000 ang halaga.

Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

41

Related posts

Leave a Comment