36 PAMILYA NASUNUGAN SA CAVITE, 1 SUGATAN

CAVITE – Nawalan ng tirahan ang 36 pamilya nang lamunin ng apoy ang mga kabahayan sa sunog sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-11:30 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Phase B, Tabing Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang yari sa light materials.

Umabot sa unang alarma ang sunog at bandang alas-12:20 ng hapon nang ideklarang fire-out ng ground commander na si Fire Senior Insp. Precious Fetalio.

Umabot sa tinatayang 36 pamilya ang nawalan ng tirahan habang isang 15-anyos na binatilyo ang nasugatan sa insidente.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naging pinsala nito.

(SIGFRED ADSUARA)

41

Related posts

Leave a Comment