HUMAN TRAFFICKING VICTIM NAHARANG SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na pinaniniwalaan biktima ng human trafficking.

Ayon sa report ng BI Travel Control Unit (TCU), ang dalawang ito ay pasakay sa kanilang Cebu Pacific flight noong April 14, sa NAIA Terminal 3, at nagkunwari bilang mga kasama sa Muslims Pilgrimage sa Dubai.

Batay sa impormasyon, kadu-đuda ang mga kilos ng dalawang ito, bukod sa hindi magkakatugma ang mga sinasabi o sagot sa immigration officer habang sumasailalim sa initial investigation sa counter ng primary checkpoint ng departure area.

Ngunit kalaunan, inamin ng dalawa na fabricated ang lahat ng kanilang mga dokumento, at na-recruit sila sa pamamagitan ng Facebook ng isang babae na siya ring nag-process ng kanilang mga visa at ticket sa eroplano. (FROILAN MORALLOS)

149

Related posts

Leave a Comment