IBA’T IBANG AKTIBIDAD INIHANDA SA PAGDIRIWANG NG 116 ANIBERSARYO NG LAS PIÑAS

IPINAGDIRIWANG ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City ang kanyang ika-26th cityhood at ika-116 taon ng pagkakatatag kasabay ng mga inihandang aktibidad para sa mga residente.

Ayon kay Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar, iba’t ibang aktibidad ang inihanda para sa cityhood at founding anniversary ngayong Marso 27 mula alas-8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Sinabi pa ni Mayor Aguilar na isinasagawa ang health and wellness programs sa Verdant covered court kabilang ang libreng laboratory test sa FBS, cholesterol and blood typing, HIV screening,

nutrition education, dental services, immunization para sa mga paslit na may edad na 0 hanggang 59 na buwang gulang, pneumonia vaccines para sa senior citizens, family planning at chest x-ray.

Bukod sa health and wellness, inihanda rin ang ibang programa kasama na ang cityhood mega job fair sa Robinsons Place na prayoridad para sa mga residente na naghahanap ng trabaho na naaangkop sa kanila.

Inihayag pa ng alkalde na ang lokal na pamahalaan ay magsasagawa rin ng mga serbisyo sa pagtanggap ng mga aplikasyon at pagre-renew ng green card holders.

Idinagdag pa ni Mayor Aguilar na may libreng mga bakuna at deworming para sa mga alagang pusa at aso, habang may pamamahagi ng free seedlings at fertilizers sa Verdant covered court sa Marso 28 sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ang mga magkapareha na nagnanais makasal at magpalitan ng kanilang sumpaan sa isa’t isa ay maaaring lumahok sa “Kasalang Bayan” (mass wedding) na inihanda ng lokal na pamahalaan sa darating na Marso 31.

Idinagdag pa ng alkalde na para sa kasiyahan ng mga Las Piñeros ay nagtampok ang Las Piñas LGU ng isang cultural show na inorganisa ng Las Pinas Tourism and Cultural Office (TCO).
Ang TCO team aniya ang naglinya ng mga aktibidad na nagtatampok ng iba’t ibang kapistahan sa lungsod kasabay ng dalawang selebrasyon ng Las Piñas kasama na rito ang presentasyon ng sikat o pamosong Banda Jose na naghandog ng kanilang  exhibition at drill.

Samantala ibinida rin sa pagdiriwang ng lungsod ang kilalang Sarao jeepney sa harapan ng city hall. (DANNY BACOLOD)

166

Related posts

Leave a Comment