HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International airport (CIA) ang isang Indian national dahil hindi maipaliwanag nito ang kanyang pakay sa pagpunta sa Pilipinas.
Kinilala ang dayuhan na si Jaskaran Singh, 20, dumating sa CIA noong Oktubre 12 sakay ng Scoot Airlines galing sa bansang Singapore.
Ayon sa ulat, tinakot pa ni Singh na kakasuhan ang Immigration officer kapag hindi siya pakawalan sa tulong ng kanyang padrino na hindi binanggit ang pangalan, at inalok pa ang IO ng halagang P50K kapalit ng kanyang kalayaan. Agad naman ito pinabalik sa kanyang ‘port of origin’.
Ayon sa isang Immigration officer, “Singh was denied entry after being unable to establish both his capacity to sustain himself for his trip and his purpose of travel”.
(FROILAN MORALLOS)
176