INIINDANG SAKIT TINAPOS SA LUBID

TAGAYTAY CITY – Hinihinalang dahil sa iniindang sakit kaya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang lalaki sa likod ng isang hotel sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si alyas “Zaldan” ng Bgy. Francisco, Tagaytay City, na pinaniniwalaang may ilang oras nang patay bago natagpuan.

Ayon sa salaysay ni Rolando Rodil, 64, maintenance staff ng Econo Inn sa Brgy. Francisco, Tagaytay City, nagsasagawa siya ng roving inspection sa likurang bahagi ng hotel nang mapansin nito ang biktima na nakabitin sa steel ladder ng fire exit ng hotel kaya agad na ipinagbigay-alam sa barangay officials na nakasasakop sa lugar na siyang nag-report sa pulisya.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Erlinda, may sakit na prostate enlargement at kidney stone ang biktima na pinaniniwalaang dahilan pagpapakamatay nito.

(SIGFRED ADSUARA)

258

Related posts

Leave a Comment