Inilatag ni Defensor P17-B FINANCIAL AID SA MGA TAGA-QC

0

MAKATITIKIM ng P17 billion financial aid ang mga taga-Quezon City kapag naupo na bilang Mayor at Vice Mayor sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Councilor Winnie Castelo.

Ito ang blueprint na inilatag nina Defensor at Castelo na ipatutupad umano ng kanilang administrasyon bilang panimula ng economic recovery ng lungsod mula sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Defensor, agad na maglalaan ang mga ito ng P3 billion na direct financial aid sa mga walang trabaho, informal workers, medical frontliners, teachers, police officers at public-sector personnel.

Aabot din aniya ng P5 billion ang ipamamahaging tax incentives at iba pang kahalintulad na insentibo sa mga negosyo lalo na ang small and medium-scale enterprises (SMES) sa lungsod.

“The last component, costing P9 billion, is a combination of an infrastructure program that would provide new jobs to city residents, and pandemic responses that aim to lessen the city’s new COVID-19 cases and protect people from the highly infectious respiratory disease,” ayon kay Defensor.

We will hit the ground running on Day 1 of our stewardship of the city,” dagdag pa ng mambabatas na tatakbo bilang mayor ng Quezon City laban kay incumbent Mayor Joy Belmonte.

Sa kabuuan, aabot aniya ito ng P17 billion ang agad na matitikman ng mga residente ng Quezon City sa sandaling manalo ang kanilang ticket sa paparating na halalan.

“We have clear-cut, comprehensive and practical solutions. We will focus like a laser beam to help our residents recover and to revive the economy. We will help businesses create new jobs,” ayon naman kay Castelo.

Bukod dito, sinabi ni Defensor na palalakasin ang contact-tracing, isolation, at pagpapagamot sa COVID-19 patients na taga-Quezon City kapag sila ang nahalal sa darating na eleksyon.

“Our city has an unenviable record under the leadership of Mayor Joy Belmonte: it is always No. 1 – in terms of daily new cases. Surely, there are better ways to deal with this pandemic, which the city’s current leadership has clearly failed to execute,” ayon pa kay Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment