JEEP BUMANGGA SA CENTER ISLAND, 8 SUGATAN

CAVITE – Walo katao ang sugatan makaraang bumangga ang isang pampasaherong jeep sa center island sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa CARSIGMA Hospital ang mga biktimang sina sina Princess Fiedelan y Aquino, 19; Marilyn Talagtag y Reyes, 53; Mark Delos Reyes y Cardines, 33; Mary Grace Laurente y Vilialba, 30; Aileen Muico y Rivas, 19; Annabel Dela Cruz y Mequiz, 51, apo nitong si Alex, 10, at ang driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DXE-751, na si Eddie Padios y Bernas, 61.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bobbie Balazo ng GMA Municipal Police Station, minamaneho ni Padios ang isang pampasaherong jeepney at sakay ang pitong pasahero,

Habang binabagtas nito ang kahabaan ng Congressional Road, Brgy. Poblacion 2, GMA, Cavite patungo sa direksyon ng San Pedro City, Laguna nang umano’y mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at bumangga ang nasabing sasakyan sa center island dakong alas-9:15 ng gabi.

Dahil sa impact, nasugatan ang mga pasahero nito gayundin ang driver na isinugod sa ospital para malapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA)

245

Related posts

Leave a Comment