KLASE SA KOLEHIYO SA CAVITE, SINUSPINDE SA BOMB THREAT

CAVITE – Sinuspinde ang klase at pinauwi ang mga estudyante sa isang kolehiyo makaraang nakatanggap ng isang email na sinasabing pasasabugin ang eskuwelahan sa Gen. Trias City sa lungsod noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:40 ng hapon nang nakatanggap ang tanggapan ng Samuel Christian College sa Barangay Navarro, Gen. Trias City, sa kanilang email ng mensahe na “I Adam Cohem Hamas, member of Tomorrow in a place no people see will locate bombs and place it all over the district March 21, 2024. Be ready ang wait for the timer to end you will know explosion. For supporting enemy you will suffer, we bomb Palestine, Philippines too”.

Agad namang ipinagbigay-alam ng school administrator ang nasabing mensahe sa Gen. Trias City Police Station at mabilis na nagresponde ang Explosive and Ordnance Division (EOD) sa lugar.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala namang nangyaring pasabog sa nasabing eskwelahan.

(SIGFRED ADSUARA)

168

Related posts

Leave a Comment