KOLEKTOR NG BUTAW SA MINIBUS DRIVERS, 3 PA INARESTO

CAVITE – Arestado sa isinagawang entrapment operation ang apat na indibidwal dahil sa panghihingi umano ng butaw sa mga driver ng minibus na pumapasada sa Bacoor City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga arestado na sina Florante Padla, Jolie Sobiono, George Anthony Calamba at Katherine Valbuena dahil sa reklamo nina Doridelio Yuson, presidente ng Cazamida Transport Group, at Efren Palma, operator ng baby bus.

Ayon sa reklamo nina Yuson at Palma sa Bacoor City Police, tinatakot umano ng mga suspek ang mga driver ng mini bus na pumaparada sa Bacoor City Terminal at pumapasada ng Cavite City, Noveleta, Naic at vice versa, na huhulihin sila ng Bacoor Traffic Management Department (BTMD) kung hindi sila magbibigay ng butaw sa halagang P100 kada biyahe.

Bunsod nito, agad nagsagawa ng entrapment operation ang Cavite CPS na siyang lead unit, at ang Cavite Police Intelligence Unit (PIU), sa nasabing lugar dakong alas-6:25 ng gabi, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa aktong nangongotong.

(SIGRED ADSUARA)

191

Related posts

Leave a Comment