KONGRESO KATUWANG SA MGA PROGRAMA NG OVP AT DEPED – ROMUALDEZ

LAKING pasasalamat ni House Speaker Martin G. Romualdez sa pagbisita kahapon ni Vice President Inday Sara Duterte sa kanyang tanggapan sa Speaker’s Office at malaking karangalan aniya na makasama sa paglalakbay nito sa larangan ng serbisyo publiko.

“You have exhibited once more your exemplary brand of leadership by showing up at the House committee on appropriations hearing to defend the budget of the Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd),” ani Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez, makakaasa ang Vice President at DepEd Secretary na katuwang ang mga mambabatas sa 19th Congress sa paghahanap ng sapat na pondo para sa mga programa at proyekto nito na magpapataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Related posts

Leave a Comment