KUMPANYANG SANGKOT SA OIL SPILL DAPAT MAGBIGAY NG AYUDA – SOLON

HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay rin ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.

Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang kumpanya ng barko”.

“Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito,” ani Yap.

Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan pa naman sa mga apektado ay pangingisda ang hanapbuhay. I am sure wala silang kita ngayon.”

Pahabol ni Yap, dapat na ring bilisan ang clean-up para hindi na umabot sa iba pang isla ang oil spill.

188

Related posts

Leave a Comment