LALAKI ITINUMBA SA ONSEHAN SA DROGA?

DEAD on the spot ang isang 42-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa Quiapo, Manila noong Huwebes.

Kinilala ang biktimang si Muhamud Ibrahim Macud, may asawa, jobless, ng Arlegui Street, Quiapo.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-7:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Norzagaray at Linao Streets sakop ng Barangay 384, Quiapo.

Agad na kinordon ang lugar ng mga tauhan ni Mupas, bago ipinagbigay alam sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section at mabilis namang nirespondehan nina Det. Sir Christian Joseph Pineda at Det. Jervy Macarasig.

Kabilang din sa nagresponde ang mga tauhan ng MPD-Forensic Unit para magsagawa ng imbestigasyon.

Naniniwala ang mga awtoridad na may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa biktima. (RENE CRISOSTOMO)

272

Related posts

Leave a Comment