LALAKI TIMBOG SA TANGKANG PAGDUKOT SA 3 BATA SA QC

NASAGIP ang tatlong bata mula sa 26-anyos na binata na nagtangkang dumukot sa kanila sa Quezon City, Martes ng hapon.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3, bandang 2:45 ng hapon nitong Martes nang maaresto ang suspek na si Prince Tamayo Bulawan, 26, sa San Beda Libis, Brgy. Bahay Toro sa  nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PCpl Kimmy A Talang, inalok ng suspek ng pagkain ang tatlong bata na edad 9, 12 at 13 saka pumara ng  taxi sa Congressional Ave. Hindi naman sila isinakay ng taxi driver.
Naglakad si Bulawan kasama ang tatlong bata sa Visayas Ave., Brgy. Tandang Sora at doon nag-abang ng masasakyan. Swerte namang nagpapatrulya noon ang mga awtoridad at namataan ang kahina-hinalang kilos ng suspek.

Inihahanda na ang kasong kidnapping laban sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya. (LILY REYES)

28

Related posts

Leave a Comment