LGBT MEMBER HINIWA SA MUKHA NG HOLDAPER

CAVITE – Nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang menor de edad na kalalakihan matapos holdapin ang isang miyembro ng LGBT at nag-iwan pa ng marka sa mukha nito na hiniwa ng cutter sa Gen. Trias City noong Lunes ng umaga.

Ang dalawang menor de edad na 17 at 15-anyos, ay nasa pangangalaga na ng Gen. Trias City Social Welfare and Development (MSWD) habang ang isa nilang kasamahan ay pinaghahanap ng pulisya.

Nilalapatan naman ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Edison Buscay, 22, residente ng Brgy. Santiago, Gen.Trias City.

Ayon sa salaysay ng biktima, naglalakad siya sa LRTA Subd., Brgy Santiago, Gen. Trias City dakong alas-7:00 ng umaga nang lapitan siya ng tatlong menor de edad na sakay ng isang motorsiklo at nagdeklara ng holdap.

Puwersahang kinuha ng isa sa mga suspek ang cellphone ng biktima. Pero bago tumakas, hiniwa ng isa pang suspek ang mukha nito gamit ang isang cutter, habang ang isa ay nagsilbi nilang driver.

Pero bago nakatakas ang dalawa, nakasigaw ang biktima na nakatawag ng pansin sa dalawang security guard ng subdibisyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang menor de edad habang ang isa ay nakatakas.

(SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment