LGBT MEMBER ITINUMBA SA BIRTHDAY PARTY

patay

BATANGAS – Patay ang isang miyembro ng LGBT matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek na dumalo sa birthday party ng kanyang kaibigan sa Barangay Palahanan 1, sa bayan ng San Juan, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng San Juan Police ang biktimang si Lina Lourdes Quitain, 48-anyos, call center agent sa Bonifacio Global City, at residente ng Brgy. Janao Janao, San Juan.

Batay sa report ng San Juan Police, dakong alas-3:30 ng hapon, nakikipagsaya ang biktima sa party nang dumating ang suspek at tatlong beses na binaril nang malapitan si Quitain gamit ang isang maiksing kalibre ng baril.

Tinamaan ng mga bala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay. (NILOU DEL CARMEN)

26

Related posts

Leave a Comment