LIDER NG TIBATID DRUG GROUP, HULI SA MARIJUANA

CAVITE – Nadakip ang umano’y lider ng Tibatid drug group at nasamsam ang P165,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City nitong Lunes ng madaling araw.

Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si Bernie Tibatid y Dayson, 33, binata, pintor, ng  Sta. Lucia, Dasmariñas City Cavite.

Si Tibatid ang lider ng Tibatid drug group at miyembro rin ito ng De Nava gun-for-hire group, at nasa listahan ng high value individuals (HVIs).

Ayon sa ulat ni Corporal Mamol Cunanan ng Dasmariñas City Police, dakong alas-12:20 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite PPO sa Brgy. H-2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha sa lugar ang isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 110 gramo at may street value na P165,000, at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment