LOLA, 32 PANG TULAK BINITBIT SA BUY-BUST

CAVITE – Umabot sa 33 katao na hinihinalang drug pushers, kabilang ang isang lola, ang binitbit ng Cavite police sa isinagawang buy-bust operation sa nakalipas na dalawang araw sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:45 noong Biyernes ng umaga hanggang alas-2:20 ng madaling araw noong Sabado sa limang lungsod at anim na bayan sa lalawigan ng Cavite.

Nanguna ang bayan ng Tanza sa may pinakamaraming nadakip na mga tulak ng ilegal na droga sa bilang na anim, sumunod ang Dasmariñas City, 5; tig-apat ang Gen. Trias City at Kawit; tig-tatlo naman ang Bacoor City, Alfonso at Cavite City; habang dalawa sa Trece Martires City at tig-isa ang Indang, Noveleta at Gen. Mariano Alvarez (GMA).

Sa nasabing buy-bust operation, tatlong babae ang nahuli, kabilang ang dalawa mula sa Gen. Trias at isang 61-anyos na lola sa Cavite City. (SIGFRED ADSUARA)

3

Related posts

Leave a Comment