LOLA MINARDER SA KUBO

QUEZON – Nasa state of decomposition na ang isang matandang babae nang matagpuan sa labas ng isang kubo sa remote area ng Sityo Logpond, Brgy. Binahaan, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Nilda Malana Villegas, 63-anyos.

Ayon sa report ng Pabilao Police, natagpuan ang wala nang buhay na biktima sa harap ng kubo ng itinuturing na suspek na si Jerry Rodriguez Abad, 44-anyos.

Ayon sa pulisya, inabandona na ang kubo ngunit nagkalat ang mga gamit sa loob, indikasyon na may nangyaring kaguluhan bago ang krimen.

Huling nakitang buhay ang biktima noong gabi ng Nobyembre 25 matapos na makipagsaya ito sa kapiyestahan ng bayan ng Pagbilao at nakitang patungo sa kubo ng suspek.

Makaraan ang insidente, hindi na nakita ang suspek na pinaghahanap sa kasong murder.

Isinailalim naman sa pagsusuri ng SOCO ang labi ng biktima at inaalam ang dahilan ng pagkamatay nito. (NILOU DEL CARMEN)

32

Related posts

Leave a Comment