UMABOT sa 1,300 mga dayuhan ang ipina-deport ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang taon, ito’y batay sa talaan ng ahensiyang ito.
Nangunguna sa deportees ang 1,104 Chinese nationals, sumunod ang 87 South Korean nationals, kasunod ang 39 Vietnamese, 19 Americans at 12 Nigerians nationals.
Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa bakuran ng immigration, karamihan sa mga ito ay lumabag sa kondisyon na ipinagkaloob ng BI sa kanilang paninirahan sa bansa.
Kabilang sa paglabag ang pagiging ‘overstaying’, o hindi pagre-renew ng kanilang mga visa at pagiging arogante habang nasa Pilipinas. (FROILAN MORALLOS)
