MARCOS AT BLINKEN MAGPUPULONG

NAKATAKDANG makapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US Secretary of State Antony Blinken sa darating na Martes para talakayin ang pagtutulungan at usapin sa seguridad.

Ang kanilang nakatakdang pagpupulong ay bunsod ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa territorial disputes sa South China Sea.

Nangako rin ang Pangulo na idedepensa ang maritime claims ng Pilipinas matapos manawagan si Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan sa paghahanda para sa military conflicts sa karagatan.

“So, I’m not surprised, but we will have to continue to do what we can to defend our maritime territory in the face of perhaps a more active attempt by the Chinese to annex some of our territory,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang news conference sa naging working visit sa Berlin ngayong linggo.

Matatandaang iginawad ang 2016 arbitral award sa Pilipinas, laban sa claims ng China sa West Philippine Sea (WPS), kabilang na ang historic claims nito sa buong south China Sea (SCS) na hayagang binasura naman ng Beijing ang ruling.

Nauna rito, nakatakdang bisitahin nina Blinken at Japan Foreign Minister Yoko Kamikawawill ang Maynila sa susunod na linggo para sa isang pag-uusap na nakatuon sa pagpapalakas ng ugnayan sa tanggulan at ekonomiya bago pa ang summit ng kani-kanilang mga lider sa Estados Unidos sa Abril.

Habang sa Pilipinas, makakapulong naman ni Blinken si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para pag-usapan ang nakaaalarmang labanan sa pinagtatalunang South China Sea at itaas ang economic cooperation.

Si Blinken ay lilipad patungong Manila sa gabi ng Marso 18 matapos dumalo sa pagpupulong sa U.S.-initiated Summit for Democracy sa South Korea.

Ang nakatakdang pulong nito kay Pangulong Marcos at sa iba pang opisyal ay nakatakda sa Marso 19.

(CHRISTIAN DALE)

86

Related posts

Leave a Comment