MARCOS LOYALISTS KAY PBBM: ICC PAPASUKIN

NAGTIPUN-TIPON sa harapan ng Senado ang ilang mga loyalista ng Pamilya Marcos at iginiit na papasukin sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court para busisiin ang anti-drug war campaign ng nakalipas na administrasyon.

Bitbit ng mga loyalista na pawang mga nakapulang damit ang mga banner na nagsasaad na Welcome ICC, Goodbye Duterte.

Giit ng mga raliyista na miyembro ng Isang Bansa Pilipino na dapat lamang imbestigahan ang mga extrajudicial killings sa bansa.

“Hindi na karapat-dapat eh, hindi na makatarungan…dapat talaga, mananawagan kami sa ating Pangulo, PBBM papasukin mo na ang ICC para magkaroon ng katahimikan ang ating bansa dahil ang Duterte ang naninira, pilit na sinisira ka, pilit na pinababagsak ang administrasyon,” pahayag ng isa sa mga loyalista na si Ginang Jean Diaz.

Binigyang-diin pa ng mga raliyista na dapat managot ang dating administrasyon sa mga pagpatay noong panahon nito.

Iginiit ng mga raliyista na hindi sila titigil sa pagbibigay suporta sa Pangulo.

(DANG SAMSON-GARCIA)

55

Related posts

Leave a Comment